Wednesday, November 14, 2007

Paglimot at Pag-alala

Noong isang linggo naisipan ko nang itapon ang isang kahon ng mga materyal na alaala ng nakaraan-- mga sulat, regalo, tuyong rosas, diary, maging ilan sa mga larawan.

Sa totoo lang, nagdalawang isip ako-- nangamba na sa oras na itapon ko ang lahat ng ito ay tila itinapon ko narin ang lahat ng pinagsamahan namin.Hindi ba ganoon ang ipinahihiwatig noon?

Pero napaisip din ako. Sa mga panahon na kinikimkim ko ang isang kahon ng mga alaalang ito ay nananatili akong bilanggo ng nakaraan-- kung sino ako noon at kung sino sila noon. Ang kahon na iyon ay nanatili sa nakaraan at di nagbigay daan sa kasalukuyan.

Napaka ironic noh? The more I hold on to the memories and try to remember, the less I give the friendship a chance since I can't accept the fact that we are not the same people we used to be. Until we become mere strangers who once knew each other.

Akala ng lahat ay talagang nakalimot lang ako ng ganun ganun. May nag akala na di ko lang talaga pinahalagahan ang mga alaala. Sa totoo pala ay ako ang pinaka hirap makatanggap ng pagbabago; mag move-on. Kaya minabuti ko nalamang na lumayo at mag kibit balikat. Magsimula ng ibang buhay.

Pero mahirap palang mabuhay ng ganito. Gusto ko nang maging malaya. Malayang magmahal; malayang tumanggap.


####
Para kay May- heto ang kwento ko. Kahit hindi ito ang inaasahan mong kwento hehe.