Thursday, October 30, 2008

Then I Knew I was Over You

Matagal na akong may paghanga sa 'yo. Mukha ka pang busabos noon. Tinutuya nila ako at bakit daw kita nagustuhan. Nangunsumi ako at di nila makita ang nakikita ko; Gayun pa man, natuwa rin ako't solong solo kita. Kilala ka na nga ng buong pamilya ko e, pati ang pamangkin ko na mula noong dalawang taong gulang pa lang ay alam ng bigkasin ang pangalan mo.
Pero marami nang nagbago sa'yo at ako'y nagbago rin naman siguro kahit paano. Ayaw ko paring bumitiw sa umpisa, kahit ramdam ko na ang panlalamig ng puso ko. Hindi ko parin kinayang tanggapin...hanggang noong isang araw lamang...
Nabalitaan ko na nasa malapit ka lang, ilang hakbang lang mula sa aking kinaroroonan. Oo at magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako nabalisang isipin na tatawid lang ako at masisilayan na kita.Pero sa panahong kumatok si Ate Cathy ng napakalakas upang bulabugin ang tulog ko, at sinabing, "Halika bilis! Puntahan natin!" naramdaman ko na lamang ang sarili kong umiling at nagkibit balikat, sabay sara sa pinto.



Isipin mo nga naman John Lloyd, pagkatapos ng ilang taon... malilimutan rin pala kita...


ahehe wala lang.