Maha kita, kaya ko ito isinusulat ngayon.
Ikaw, oo, ikaw. Ikaw na matagal ko ng friendster. Ikaw na ilang beses ko nang nakasabay mag lunch, o napaggastusan ng ilang piso sa text. Ikaw na kakilala ko na ng ilang taon na. Ke nakita mo na ako lumaki (literally) o ngayon-ngayon mo plang naka palagayan ng loob, mahal kita. Para sa yo 'to.
Napaisip lang ako ng malalim lately. Marami akong gustong sabihin at dapat sabihin, pero bakit kababawan lang at kung ano-ano lang ang nasasambit ko? Bakit naghihintay pa ako ng bukas? Bakit umaasta ako na parang wala akong magagawa, wala akong mabibigay wala akong masasabi at wala akong maitutulong.
Pero meron.
Matagal ko nang dapat sinabi at gustong sabihin. Mahal kita. at Mahal ka Niya.
Matagal ko nang gustong sabihin na ang natanggap ko ay hindi lang para sa akin, kundi para sa 'yo rin.
Noong mga araw na manghang-mangha ka sa nangyari sa akin (oh nung inis na inis ka bakit masaya na ako bigla); bakit di na 'ko galit sa lalaki at sa sang kamunduhan; bakit 'di na ko bitter; bakit gusto ko nang mabuhay, inisip mo na natsambahan ko siguro, pero ikaw... 'di na siguro tatablan. 'Di yun totoo pero tumahimik lang ako.
O sa 'yo, na 'di mo nalaman ang nakaraan ko at inakala mo lang na isa akong banal na tao dahil wala-- ako ito at ikaw yan, nagkakamali ka, pero hindi ako umimik.
Pero ito ang totoo. Natanggap ko lamang ito, binago lang ako, nakaranas lang din ng awa. Ngayon gusto kong malaman mo... para sa 'yo rin ito. Walang hindi tinatablan, walang sobrang dense para kay Lord.
Naks naman, KJ na kung KJ, corny na kung corny, pero alam ko sa loob loob mo hinahanap mo rin 'to. Hinahanap mo ang kapatawaran, hinahanap mo ang pagbabago, hinahanap mo ang pagtanggap, hinahanap mo ang tunay na pagmamahal, hinahanap mo ang totoong dahilan ng buhay na ito. Kaya nga naparito si Hesus at namatay sa krus. Kaya nga na Siya, na walang bahid ng kasalanan ay nagparaya ng ang LAHAT ay mabuhay. I mean LIFE pare. I can't explain e, how alive you could feel once You let Him take over your life. Pero man, I felt like it's the first time I've actually lived when I did. Lahat, dude. As in LAHAT. Counted ka dun.
Di naman madali. Sinasabi ko na ngayon pa lang. Exciting. Pero indi madali. Kaya nga naman narrow road eh. Pero if you let His waves of grace take you, san ka pa, lalo kang maiinlab. Di mo alam pano mo kinakaya ang mga Goliath pero tumba sila sa harap mo.
Atsaka andito naman ako, eh. Andito naman kami. Maraming tutulong; maraming sasaklolo.
Ibigay mo lang ang buhay mo sa Kanya, dude. Solb solb ka na.
Mahal kita.
Hirap narin akong makita na ganyan ka. Nalulungkot, natutuliro, di malaman ang kinabukasan, frustrated, walang pag-asa.
Ano, game ka?