Mahirap magmahal ng call girl. Yan ang bago kong discovery.
Sa mga di nakakaalam, isa akong call (center) girl at mag aapat na buwan pa lang naman sa industriya. Maraming nagtatanong, why the sudden change?-- kung sabagay, dati akong isang guro, at ang bokasyong pagtuturo ay isang napaka marangal na bokasyon. That must mean I'm the idealistic type, not the kind that go after the material perks of this supposedly shallow vocation. Well, this is not all about justifying this move. Marami'y di maintindihan. Sabi pa nga nila, if you're underpaid as a teacher, Eh di mag abroad ka! Tutal, atat na rin naman ang kalahati ng pamilya ko na sumunod na ako 'dun. Well, as I've said, not a lot would understand the rationale behind it. And it's not the point.
Ang ibig ko lang namang sabihin ay... mahirap magmahal ng call girl. Not necessarily in a romantic way, I should add. Katulad ngayon, at ang nakalipas na mga gabi ako'y mapag-isa dito sa apartment dahil ang mga kasambahay ko ay nagbabaksayon sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas. Well, bahagi ng pinirmahan kong kontrata ang pagttrabaho sa holidays kaya 'di ako maka imik. Gusto man akong samahan ng iba kong kaibigan, may obligasyon 'din sila sa kanilang pamilya. 'Di bale, ang sabi ko, 'di rin naman kami nagkikita talaga eh. Pag gising sila, tulog naman ako. Ang good morning ko ay good night na sa kanila. Pero malungkot parin the past days, man.
Nataon pa na off ko kanina. Lonely mornings I could sleep off. Lonely nights-- when going out alone AND on a holy week is not an option, kakaloka. I just rented a bunch of movies, gobbled a couple of bags of chips and chucked gallons of coke and semi-wallowed. Feels good really, until I reached to a realization that I can't do this everytime I'm alone.
On my last off I was lucky to have somebody sleep over sa bahay sa Pamp. We watched a buncha movies too, til 6am. And my dad caught us eating ice cream in the kitchen... TWICE!!! Good for her though, she lasted. The other night, 'di ako kinaya ng mga kaibigan kong naglakas loob mag ayang mag movie marathon. Tinulugan ako.
Mga work mates ko? Umaga nag-iinuman. Well. 'Di ko naman problema yun, anyway. Tagal nako 'di umiinom kaya di na problema i schedule.
Man. My schedule and body clock's all screwed up. Ang hirap humanap ng human interaction, from the normal world, that is.
Ang hirap magmahal ng call girl noh?